BUKAL
Lahat ng bagay at sangnilikha ay may pagkakaugnay ugnay sa isat isa. Ang isang nilikha ay para sa isang nilikha, tao, hayop, halaman, tubig, init, isda atbp ay dumadaloy ng paikot ikot at paulit ulit ang buhay para sa bawat isa upang patuloy na mabuhay ang bawat sumusunod na may buhay tila baga ito ay parang hugis bilog na walang katapusan pag-ikot ng linya.
Pinukaw ang aking isipan ng isang uri ng kalikasan walang iba kundi ang "BUKAL" Bukal ng tubig na patuloy na dumadaloy. Umaagos ng umaagos ng umaagos ang tubig mula sa bukal ng walang katapusan. Nakakalungkot nga lang kung hindi sana nasira ang ating kapaligiran dahil sa ibat ibang uri ng polusyon, hindi sana maapektuhan ang klima na syang dahilan ng pagkasira ng kalikasan at hindi maipaliwang na pag babago bago ng klima kagaya ng tagtuyot. Ngunit hindi yan ang pag tutuunan natin ng pansin kundi ang likas na bukal. Ang tanong ko noong bata pa ako ay bakit hindi nauubos ang tubig sa bukal at saan nanggaling ang tubig sa bukal, patuloy lang itong umaagos. Naisip ko nga may malaki bang gripo sa loob nyan? Ngunit sa pamamagitan ng agham at teknolohiya iyon pala ay nang dahil sa "Water Cycle" tama ba? Sa aking pag mumuni muni kung bakit hindi nauubos at patuloy ang pag agos ng bukal napagtanto ko't naitanong sa isipan na kung ang lahat ng bagay ay may pag kakaugnay ugnay, bakit kaya higit na napakarami ng tao na ang pamumuhay ay tila baga sumasalok lng ng timba ng tubig sa bukal at pagdakay madaling nauubos ang tubig na sinalok sa bukal. Naniniwala ka ba? Nilikha ng Diyos una ang mundo at ang lahat ng kalikasan mayroon ito bago pa ang tao. Sa makatuwid lahat ay nakalaan na para sa tao bago pa man siya lumitaw sa mundo. Tama ba? Ibig lamang sabihin nito na may unlimited resources ang mundong ito na maihahalintulad natin sa bukal na hindi nauubusan ng tubig. Subukan nating isipin ang ilang generation nang nag daan, ikaw, o ako at ang bilyon bilyong mga tao na ang naglakbay sa mundong ito, mula ba noon hanggang ngayon naubos ba nila ang mga resources o ang tubig sa bukal? nagawa ba nilang ubusin ito? Di ba hindi!? Ano't humantong ang napakaraming tao sa isang kalagayan ng pag aalala at takot na tila ang pag tatrabaho ay gaya ng pagsalok ng isang timbang tubig sa bukal sa takot na maubusan ng tubig ang bukal. Hindi ba't may hindi tama sa kamalayan ng tao na ang tubig sa bukal ay hindi nauubos? Nangyayari ito nang dahil sa may mga uri din ng tao na SAKIM! Ito yung mga uri ng tao na malalim at may matinding takot sa kalooban na baka sila ay maubusan ng tubig sa bukal o kayamanan, ang ginagawa nila ay kinakamkam nila ang lahat kung saan dumadaloy ang tubig mula sa bukal upang masarili ito. Sa pakiwari ko iba ang pag iimbak sa naiimbak? Kung ang kamalayan natin ay maimbakan ng maimbakan ng tubig mula sa bukal hindi ang mag imbak ng magimbak sa takot na maubusan. Gaya nga din ng sinabi ng Biblia na "Huwag tayo mag imbak ng kayamanan dito sa lupa" Dahil ito ay nauubos at kinakain ng kalawang. Ano ba ang ibig kong sabihin sa maimbakan? Hayaan mo na mapuno ka lang ng kayamanan tulad sa tubig ng bukal na hindi nauubos. Sa pamamagitan nito ang lahat ng tao ay nag mamaya-ari at bahagi ng kalikasan. Ano ano ba ang mgha bagay na gusto mo mabago sa buhay mo? Love? Gumawa ka ng circle of love! Friends? Gumawa ka ng circle of friends! O Resources? Eh di gumawa ka ng circle of resources, huwag young tipong nagpapakahirap ka sa pag tatrabaho na tila mauubusan ka ng tubig ng sa bukal, yan ang pumipigil sa tao para makita nya ang unlimited resources at napakadaming kalikasan na nilaan na ng Diyos bago pa tayo lumitaw sa mundong ito. Ano ba ang sikreto upang maimbakan madaming kayamanan, kung ito ba ay kayamanan sa pananalapi? Simple langgawin mo lang ang gaya ng batas ng kalikasan paikutin mo ng paikutin ang pananalapi upang ikaw ay maimbakan ng bukal ng kayamanan. Salamat!