top of page

SUN


Magandang araw! napakainam ang isang kalagayan na kung saan ay nakukuha mo ang mag pasunod ng mga ilang sa bagay sa loob ng iyong nasasakupang bakuran. Hindi maililingid sa ating kaalaman na sa ilang bahagi nang mga kwento sa biblia ay tumutukoy sa ubasan ng mga mamumuno at pinamumuan. Inihalintulad ng biblia ang kaharian ng Diyos sa isang ubasan na kung saan siya ang namumuno at nagmamay ari. Bahagi din nito ang mga taong nasasakop ng kanyang pag mamay ari. Sa unang panahon likas sa mga tao ng bansang Israel ang ugali at mga paggawa na bahagi na ng kanilang kinasanayan ang pagtatanim o magpalago ng ubasan at ilang mga bagay na magagamit sa pangangalakal. Sa kanilang kinagawian na kultura sadyang mas mainam sa para sa kanila ang magkaroon ng mga katiwala o tinatawag na mga alipin na mula pa sa ibayong bansa. Binibili nila ang mga ito upang maging mga utusan. May panahon sa bansang Israel na tinatawag na "Jubilee Year", ito ay isang panahon na kung saan na ang mga alipin ay binibigyan ng pagkakataon na lumaya at pumili na panibagong landas na tatahakin. Kung ang alipin ay mag pasya na manatili na lamang sa pag kakaalipin o sa kanyang panginoon ito ay bubutasan sa kanyang tenga at kakabitan ng hikaw tanda na habang buhay na siyang alipin at wala ng pagkakataon pa upang lumaya. Bilang isang Israelita na panginoon at nagmamay-ari ng ubasan, maisasalarawan nito ang isang kapangyarihan ng pamumuno, pamumuno na kung saan ay panahon ang humuhusay. Ang karanasan at kaalaman sa pag papalago ng ubasan ay hindi masasabing basta basta na lamang. Sadyang ang uri ng ubas ay maibibilang sa grupo ng mga sensitibong prutas, dumadaan ang mga ito sa masusi at maingat na na pagaalaga.

RELATED TOPICS:

https://translate.google.com.ph/translate?hl=fil&sl=en&u=http://www.almanac.com/plant/grapes&prev=search Sa blog ko na ito ay nais ko lamang maiparating sa inyo ang isang kalagayan ng isang panginoon at isang alipin. Ngunit bago tayo mag patuloy ay balikan ko muna sandali ang blog ko tungkol sa "naipapamanang kahirapan" kung saan tinalakay natin ang pag tatanim. Ang pag tatanim ay maihahalintulad natin sa ating panahon na isang pamumuhunan kung saan ikaw mismo ang namuhunan at magsisimulang pagpapalago at hindi lamang isang binhi ang itinatanim bagkus higit pa upang kung ito ay magbunga ay higit din. Ang isang pagtatanim nga ay hindi sapat upang umani ng madaming bunga. Sa lumang panahon ang panginoon ang nag tatanim at namumuhunan sa kanyang ubasan ngunit kumukuha ito ng ilang mga katiwala o mga alipin upang pangalagaan ang iba't ibang bahagi ng kanyang taniman at ang mga ito ay uupahan o babayaran na lamang ayon sa kani kanilang mga pinag hirapan. Ngayon kung mapapansin natin ang kalagayan ng isang panginoon sa kanyang nasasakupan na siya ang mas higit na nakakapag ani ng mga bunga oh nakikinabang halos sa malaking bahagi o porsiyento ng mga bunga, habang ang mga alipin na silang totoong nag papapakapagod sa buong maghapon kada araw ay maliit na bahagi lamang ang makukuha. Ngayon ano ang ibig kong maipakita dito? kung mapapansin natin ang "pananatiling empleyado" hindi ko sinabing ang pagiging empleyado kundi ang pananatiling empleyado habang buhay ay humahalintulad sa isang modernong kalagayan ng isang alipin, na kung saan hindi siya ang nagmamay ari ng buo niyang oras o mga panahon na sana ay naibabahagi niya sa kanyang pamilya, bagkus kinakailangan nyang isang tabi ang ibang bagay na higit sanang mahalaga. At ang masaklap pa ay napaka daming opportunity na dumadating sa buhay na niya upang makamit ang tunay na kalayaan katulad ng jubilee year ngunit sa oras na mag desisyon siya na ayos na sa kanya ang kanyang kalagayan ito ay maaring ihalintulad sa pagbutas ng tenga na kung saan habang buhay na siyang alipin. Hindi ba't nababatid natin na dito sa Pilipinas ay mas kinasanayan na natin ang mangamuhan o maging empleyado dahil yan ang sa pag kakaalam natin na paraan upang mabuhay sa mundo. Sa larawan na nakikita mo sa bahaging ito ay ang siyang mga tanda ng pagiging modernong alipin. May mga ilang bahagi na ng buhay ng tao na sadyang paulit ulit na nagaganap. Tignan ang mga sumusunod: Nursery- 3-4 years old Kinder- 5 years old Elementary- 6-12 years old High School- 13-16 years old College- 17-21 years old Empleyado- 22-60 years old Retired- 60 and above Ngayon mapapansin natin dito na ang bahagi ng empleyado ay sadyang napakataas na panahon ng buhay na ginugol at sa huli wala naman pa lang ipon, sabihin natin na may pensyon nga ngunit ang mga matatanda sa ating lipunan ang siyang batayan sa maari nating bukas. Ngayon sa bagay na ito ang pagiging empleyado ay hindi maihahalintulad sa isang tao na nag tanim dahil ang bagay na pianpalago mo ay hindi mo pinuhunan. May ilang bagay lang ako na nais ipakita sa inyo na kung maaari na sa pag dating ng panahon ganito dapat ang nagyayari. Tignan ang mga sumusunod: Nursery- 3-4 years old Kinder- 5 years old Elementary- 6-12 years old

High School- 13-16 years old College- 17-21 years old Empleyado- 22-25 years old Self Employed- 25-30 years old Business Owner- 30-40 years old Investor- 35 years old and above Ngayon isang napakagandang paraan ang pagiging empleyado upang maka ipon ng pang puhunan at may maitanim o may maipuhunan sa gayon sa paglipas ng panahon ay ikaw naman ang magiging panginoon ng ubasan. Ang utak natin ay hindi dapat tumitigil sa pag aaral at mga gawang gumagawa sa pag abot ng mga pangarap. Gaya nga nag kasabihan: "He who graduates today and stop learning tomorrow is uneducated the day after tomorrow" Kaya huwag tayong mag tatanong sa Diyos kung bakit tayo mahihirap binigyan tayo ng Diyos ng isip upang maging maagap. Ngunit tandaan mo piling pili lamang na tao ang gagawa ng isang desisyon upang abutin ang nararapat.


Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page